Sunday, May 13, 2007

Walang Magawa. Mag-Tagalog Na Lang

Ok. Sige. Kaka-post ko lang kanina nung wala kong kwentang post. Kaso wala na kong magawa eh. Magpopost na lang ulit ako. Pero may twist. Tagalog naman ngayon.

Andaming pwedeng pag-usapan. Tama si Kuya Boy Abunda. Tara, Usap Tayo. (pina-trademark na ata nila yun eh)

Usapang inumin

Bakit nga ba masarap ang beer ngunit ito'y matabang naman? Hindi ko nga rin alam eh. Nung una kong natikman ang beer noong ako'y grade-schooler pa lamang, grabe! Halos nasuka ko ata lungs ko nun eh. Ang tabang tabang! Parang ka-lasa nung tsaa ni mama. Yung pinapa-inom nya saken dati para ata mawala ung mga allergies ko. O e ayun. Pero tama nga ang mga adik. Pag madalas ang pag-gamit, matutuwa ka na rin. Kaya para sa akin ngayon, mahal ko na ang beer. Consistent na ang pagkakaibigan namin.

Hindi ako naniniwalang calories yung hinayupak na Coke Light na yan. Totoo. So, ano, pag-ininom ko un, walang energy na makukuha? Wala ring fat? Aba, edi ok pala eh. Pero nung pagka-inom ko ng isang bote ay talagang nakita ko ang deadly effect ng anak ng tokwang Coke Light na yan. Ah! Lumaki na naman ang aking tiyan. Alam nyo bang 2 buwan na akong hindi umiinom ng normal na coke bago ko ginawa yon? Nakikita ko na ang shape ng aking tiyan, tas ayun. Nawawala na naman.

Ang pare-parehong guranteed effect ng mga sodas o kahit ano mang carbonated liquid eh lalaki ang tiyan mo. Oo, parang beer. Carbonated din kase ata ang beer. Pero duh, at least yung beer eh mas masarap.

Mahilig ako sa mga ginger ale dati, lalo na yung Canada Dry na yan. Ayus! Masarap sa panlasa. Yun kase ang hinahanap ng katawan ko sa mga inuman eh. That CO3 goodness. Hindi ba't parang ang sarap ng feeling ng isang inumin na pagka-sarap sarap na dumadaloy sa iyong bituka't binubutas ito? Haaay.

----------------------------------

Usapang Mall

Ang pinaka-magandang mall na aking napuntahan, ay ang Galeria Mokotow na nasa Warsaw, Poland. Aside from the fact na yun lang ang mall sa Warsaw, ay napaka-daming pwedeng gawin doon. Andun ang Smyk Toy Store na sobrang favorite ko. 10 times better yon sa Toy Kingdom at Toy's R Us. Nung isang time eh iniwan ako ng nanay ko dun sa mall. Binigyan nya ako ng budget na 50 zloty ata yun. Malaki-laki na rin, cguro 1000 pesos na rin yun sa bansa natin. Pero hayop! Ubos ang pera sa kaka-bili ng mga Hasbro Board Games sa Smyk! Anak ng tokwa yan. Nagalit nanay ko sa akin nun. Simula noon ay hindi na ako iniwan sa mall.

Hindi ako natutuwa sa Mall of Asia. Ang laki-laki kase eh, at andami-dami pang tao. Tsaka ewan. Di ko yun feel. Siguro kung pupunta ako dun eh dahil lang sa iMax or ewan. Amboring talaga dun eh. Pinorove lang ng MoA na na pag malaki ka, boring ka. Tignan mo nga ko. Ang laki ko, tas ang boring ko. Nakikita naman ang pagka-realistic ng mga bagay-bagay.

Siguro ang mall na sobrang dalas kong puntahan ay ang Megamall. Kung araw-araw ako mag-ggym, edi araw-araw din ako dun. Yun lang ata ang mall na kabisado ko ang bawat floor at stalls by heart, maliban sa Robinson's Galleria. Naligaw ako dati sa Megamall, tapos imbis na mag-alala ang aking mga magulang ay sobrang pinagalitan pa ko. Ang tanda-tanda ko na daw eh naliligaw pa ko. Ugok lang daw ang naliligaw. Alam nyo ba kung ilang taon ako noong mga time na yon? 8 ata. Grabe. Kaya kinabisado ko na talaga yang lintek na Megamall na yan.

Kung considered na mall ang Mercedes Plaza eh paborito ko na yon. Bakit? Aba! Andun ata lahat ng trip ko. Shawarma, dvd's..magazine..groceries. Di ka malulugi. Ang downside nga lang eh wala kang masyadong source of entertainment doon dahil mas malaki pa ata ang soon-to-be Greenwoods mall kesa sa buong plaza, kasama na ang parking-an at E-nopi at terminal ng tricycle. Punta na lang kayo dun sa 2nd floor. Masaya don. Nag-bibingo nanay ko dun lagi eh. Text nyo pag andun nanay ko.

Noong pumunta kaming Malaysia, nakatira kami sa suite ng aking tatay sa The Ascott na nasa tapat ng KLCC (Kuala Lumpur City Center) at Petronas Twin Towers. Ayos ang location kahit kailan. Araw-araw ay tinatawid ko lang ang mall. Tapos maglilibot, aamuyin ang napaka-bantot na atmosphere ng mga bumbay, at babalik na ulit sa suite. Sa KLCC ko ata natutunan magsawa sa mga pasyalan. Dun ako natututo ma-KJ to death. Sisihin nyo un. Araw-araw ka ba namang mamatay sa baho ng mga baktuling kili-kili ng mga bumbay sa mall eh tignan ko lang kung di ka magsawa.

Merong isang time na kinailangan ng carrots ng aking nanay. At dahil di naman uso mga long-katuts doon, ako malamang ang uutusan bumili. At dahil di naman uso ang mga sari-sari store o mga mini-palengke sa tabi-tabi doon, kailangan kong pumunta sa mall mag-isa. 9 years old pa lang ata ako nun. Sa part ko eh okay lang, kaso nilagyan ng twist ng nanay ko. Grabe. Papabili na nga lang ng carrots eh. O ayun. Sabi nya wag daw dapat ako magpakita sa tatay ko na nasa Fitness First ata nuong mga oras na iyon na nasa tabi ng grocery na nasa KLCC. Hanep. Feeling ko super secret agent ako na inutusan ng aking Hepe na mang-raid. Ayun. Lusot naman. Nakabili din ng carrots. Di nahuli ni itay.

----------------------

Usapang Bansa.

Ako'y nakapunta na sa 4 na bansa. Dalawang beses sa Hong Kong, 2 beses sa Malaysia, 2 beses sa Singapore, at 1 beses pa lamang sa Poland. Nakakatuwang isipin na from South East Asia eh nilaktaw ko ang Americas at pumuntang Europa. Ewan. May galit ata tatay ko sa America eh. Overrated daw. Onga naman Parang ano nga naman ang appeal non sa mga tao pag sinabe mong, "Nakapunta na akong America"? Halos lahat naman ngayon ng tao eh pumupunta na don. Hindi bali, matignan nga yang mga puting yan next year.

Sa lahat ng mga bansang napuntahan ko, the best pa rin ang Poland. Malamang. Europa eh. Pero ewan. Matindi talaga ang epekto ng bansang iyon sa akin. Ano nga bang pinag-gagagawa namin doon?

-Naging full-time yaya ako ng mga kapatid ko
-First time kong makapiling ang snow.
-First time kong makapglinis ng snow.
-First time kong matikamn ang snow.

Yun lang ata significance ng Poland sa akin, kung idadaan ko sa salita. Pero ewan. Dun ko unang nakitang umiyak yung tatay ko dahil ma-mimiss nya kami. Oo, mga paknerz. Hindi naman talaga umiiyak ang tatay ko eh. Dun ko namana ang pagka-bato ko. Nung unang time nya ata kaming iiwan, sa Saudi ata sya pupunta non para sa kanyang trabaho, hindi naman daw umiyak. Hayup! 2 taon kaya sya dun. Bwiset eh no.

Hindi ko na-tripan ang Hong Kong. Siguro nung 2nd time na namin don eh medyo nasiyahan ako kase shopping galore with itay at Mong Kok ata yun, pero katulad ng America'y overrated na rin and Hong Kong. Ini-imagine ko nga na kung pwede eh magtayo na lang sila ng subway or tunnel na mahaba, yung parang sa Russia, tapos i-connect na lang sa Pilipinas. 1 oras lang naman ang layo ng Hong Kong sa Maynila eh. Malayo pa ang Baguio from Manila kung tutuusin. Less buttache, pare!

Bawat lingon mo eh may Pilipino sa Hong Kong. yun lang ang nakakairita don. Kase halos singkwenta mil ang binayad mo para maka-alis sa Pilipinas, tapos malalaman mong extension lang pala ng Pilipinas ang Hong Kong. Bad trip. Lalo na nung nag Disneyland kami. Parang nag-EK ka lang eh. Mas masaya pa siguro sa EK. Sa Disneyland andaming pa-epal shits eh. Sarap sapakin. Lalo na si Sleeping Beauty. Nandun kami ng tatay ko sa may gazeebo kung san nakikipag-kodakan ang mga chikiting kay Sleeping Beauty ng bigla kong maisip mang-gago. "Hindi ba't si Sleeping Beauty yan? O e bat sya gising?" Ang sasama ng tingin sa akin ng mga Pilipinong kuto.

Sa aking pag-travel sa mga iba't-ibang bansa sa murang edad, isa pa lang ang pwede kong ma-conclude. Kung feeling ni Magellan eh bilog ang mundo, feeling ko eh bilog ang mukha ko. Hinde. Feeling ko wala ng gusto maging Pilipino. Totoo. Andami ko atang nakita sa Malaysia na lumilingon pag nagtatagalog ako. Pero pag tinanong mo kung anung lahi eh sasabihin na malaysian sya or thai sya or chekwa sya or aso sya, with matching barok english pa yun. Nakakairita ano? Buti sana kung realistic eh. Hindi naman.

Tss. Ako nga Caucasian eh. Ano? Laban, ha?

------------------------

No comments: