Saturday, May 05, 2007

Filipinow

Bilang 101st post ko, mag-tatagalog naman ako. I mean Filipino. Baka sabunutan na ko ni Gng. Are or Bb. Pena o kung sino mang guro sa Filipino dahil lang don.

Nakakapan-lambot ang lintek na review class namin kanina. Kala ko eh nanlambot na ko dun last Wednesday, pero anak naman ng tupa o! May lalambot pa pala dun! Bwiset na Math 2 yan. Na-gegets ko naman, kaso gets nyo ba? Nakakairita lang pag boring yung instructor kase ang boring na ng lahat. Hindi ko nga ma-imagine na posible yung ganong event. Yung tipong boring instructor, lively class, at boring class naman sa lively instructor. Hindi mangyayari ever yon kase WALANG LIVELY NA INSTRUCTOR. Kahit ipagdiinan mo pa na meron, Aantok-antukin ka rin sa isa every now and then. (we find a special friend)

Natutuwa ako kay Mr. Bean. Sya na ngayon ang idol ko. Kase naman, hindi na-iinsecure yung weirdong yun. Sana eh ganun na lang palagi. Kung hindi tayo na-iinsecure lahat eh di walang suicidal na mag-eexist sa inner self natin. Parang AKO. Pero excuse me, hindi na ako suicidal. Depende.


-----------------

Usapang Musika.

Hindi ako natutuwa sa paggawa ni Avril Lavigne ng mga iba't-ibang versions ng Girlfriend. Oo, tae. Multi-lingual, dapat eh gusto ko yun. Kaso bwiset eh. Di naman ka-tono! Parang yung kina-kainisan namin ni Charlene sa mga kanta. Yung pinagpipilitan isik-sik yung mga lyrics sa isang tono ng isang line. Yung parang 'cristocentric pascha; spiritualiteeee' na parte na ng aming buhay sa aming napaka-gandang paaralan. Basta. Ma-gegets nyo din.

Buti na lang eh lalaking maitim ang kumanta ng This is Why I'm Hot. Imaginin nyo na lang kung babae yon. Bwiset. Siguro natuloy ako sa pagpapakamatay. Grabe. Pati sa kanta eh gusto pa rin ako i-insecure.


Nakakatawa yung tagalog version ng Girlfriend na ginawa ni Chico Garcia at Delamar sa radyo, dun sa show nila pag umaga na ang tawag eh The Morning Rush. Eto yung natatandaan kong lyrics. Pagbigyan na kung medyo malabo-labo. Alam nyo naman kasing-laki na ng katawan ko ang Memory Gap ko e.

"Hey Hey You You mukhang bakla ang syota mo! No way no way, kailangan mo ng bago!"

Di ko na matandaan yung isa eh. Tanong nyo si Monica o yung nanay nya.


Pag mabagal na ba ang tingin mo sa isang kanta eh ibig sabihin nun eh laos na yun? Kase nung nag 8 waves kami, tapos andun ako sa cottage at nag-iiPod tapos pinapakinggan ko ung Last Night ni Diddy at Keyshia Cole na sobrang favorite song ko talaga kahit kelan, parang ayun. Bumagal. "Laaaaaaaast Niiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiight...I cooooooooouldn't get aaaaan ansaaaaaaah". Akala ko eh may something sa iPod ko, o tapos wala naman. Dala ata ng sobrang pagka-bore yun eh. Anak ng taeng 8 waves kase yan. Di ko nga na-enjoy kase andaming umeepal.

Aba. Lasing na ata talaga ko. Parang gumagalaw ang aking telepono mag-isa! hala!

---------------------------

Usapang Pelikula.

Ayoko ng Spiderman 3, o anu mang Spiderman. Dati, oo. Kaso na-figure out ko ngang gaya-gaya nga lang si Peter Parker kay Clark Kent. Pa-nerd, hindi naman nerd. Ok sana kung nerd hottie eh, as in magaling sa Physics at Calculus o anu mang subject na nakaka-appeal saken. Kaso hinde! In real life, ka-level nya si Erwin Tulfo na mas mababa ang rank by 50%. O di ba? Asan na ang nerd? Wala na!

Pareho ba ang DC Comics at Marvel Comics? Ay bobo. Hindi pala. Anu nga bang pinagka-iba ng DC sa Marvel? Ganto yon, ang mga taga DC eh mahilig mag-suot ng mga suot-panloob sa labas. Parang si Superman. May red trunks/briefs sa labas, may sinturon pa! Sobrang durability talaga ang in-ensure ni Jerry Seigel at Joe Shuster sa salwal nya. Bakit kaya? Ewan. Feeling ko eh para lang ma-emphasize ang matambok nyang legs. Kala mo kung ano, noh? Bastos mo!

Gusto kong mapanod ang Shrek 3. Sabi ng nanay ko eh kasing-taba ko daw si ogre Fiona. Grabe mehn. Kamukha kaya ni Rielle yun. No way magkasing-taba kami nun. Natutuwa rin ako kay Puss in Boots. Sana eh realistic characters na lang sila lahat para masaya ang buhay. Pano kaya yun no? May halimaw kang kapitbahay na may pet na donkey na ubod ng daldal. Di ko na siguro kailangan manod pa ng mga comedy shows nun. Bawat araw ng buhay ko eh masaya dahil sa kanila. Tapos may siraulong pusang naka-boots na kalaro si Sweetie. Ay! Ang cute.

Nakakatuwa talaga yung Mr. Bean's Holiday. Malakas lang cguro ang appeal ni Mr. Bean saken. May isang part dun na nakakatawa talaga kase ni-lilip synch nya yung isang religious na kanta (as in Latin talaga yung lyrics), tas ni-rereenact nya kasama yung batang sumama sa kanya. Hanep sa benta. Halos umiyak ata ko nun sa kakatawa. Pero guess what, inulit nila un nung last scene na, as in happy ending stuff na. Tas hindi na nakakatuwa, kase silang lahat na yung nag-lilip synch nung lintek na kantang yun. Kailangan si Mr. Bean lang.

Hindi ko pa rin alam kung bakit na-aakwardan ako pag nahuhuli ako ng nanay kong manod ng mga morbid w/sex films tulad ng Turistas. I mean, ilang linggo na rin naman eh considered na legal na ako sa ilang bansa tulad ng Amerika eh. Tsaka hello? Ilang beses na ba ko nahulihan ng porn cd's na di ko naman pinapanod at pinapatago lang naman ng mga ugok kong kaibigan? Bwiset eh no. Tas di pa ko mature sa lagay na yon.

May nakakairitang scene dun sa Turistas na pag naiisip ko eh nag-huhurl na lang ako. Alam nyo ba yun? Kase yung kaibigan nilang Brazilian eh tumalon pababa dun sa tubig na may falls and stuff. Eh di malamang mabato dun. Kaya ayon, na-bagok ang bungo nya. Duguan, pare. Binuhat sya ng mga kaibigan nya papunta dun sa bahay nung uncle nung Brazilian na nasa tuktok ng bundok. Tapos mga siraulo't mangmang nga naman, nakakita sila ng giant stapler at ginamit nila yong pang-sara dun sa open wound nung kawawang Brazilian. Mga bobo pala eh no. Sana eh ski-notch tape na lang nila o dinilaan. At least mababawasan pa yung bloody stuff. Sobrang kabobohan eh.

Ever since napanod ko ung Fast Food Nation eh di na ko napakain ng Burger McDo or Yum! Burger ng Jolilibee or anu mang burger ng isang fast food. Sabi kase dun sa movie eh hindi malinis ung mga beef at may halo pang cow manure. Ibig sabihin eh may tae na ang kinakain natin. Pwet naman. Alam ko namang madumi na lahat ng pagkain sa mundo eh. Ok lang kahit pinesteng gulay na lang ang kainin ko buong buhay ko, pero karneng may tae? Sobra na yun eh. Desperado. Kahit nga ung mga mahihirap eh di kumakain non, pano pa kaya ung mga taga-middle class? Sarap na sarap ata sila sa tae ng baka.

Hanggang Chicken Burger na lang ata ako ng McDo e. Yum.

------------------------

Usapang Pag-ibig

Wala akong masabi. HINDI NA KO IN-LOVE EH. NAWALA NA. ANAK NG TUPA!

------------------------

cge. ayun lang. bye.

No comments: