Sige
Sige, okay lang
Sige, okay lang na maging kayo
Sige, okay lang na hanggang dito na lang tayo
Una'y nagligawan ng napakatagal
Yung tipong gabi-gabi'y dinarasal
Na sana'y ikaw ay wag lumisan
Ngayon akin ay pinagsisisihan
Sige, okay lang
Sige, okay lang na di mo na malaman
Malaman na mas higit pa sa pagkakaibigan
Ang pagmamahal na sayo'y aking nararamdaman
Sadyang malungkot ang handog ng ating tadhana
Kasiyahang mauuwi lang pala sa wala
Sana'y balang araw ay iyong matanto
Na ako pala'y naghintay dito
Naghintay na ikaw ay magtapat
Magtapat ng isang pagmamahalang dapat
Hayaan mong ngayon ako'y magliwaliw
Kaysa naman magwala sayo ng parang baliw
Sige
Sige, okay lang
Sige, okay lang talaga
Wala na rin naman akong magagawa
Siguro nga ay kasalanan ko din
Kasalanan ko na ikaw ay laging isipin
Kahit wari ko'y ito'y hihinto
Sa pagsara ko ng aking pinto
Sige
Sige, okay lang.